Salamat sa lahat ng bumubuo ng MYPBA.COM Sa lahat ng mga kaibigan ko, this is for you. Pasensya na po sa typo error because this is the unedited version para mas sentimental.
I wrote this about a couple of years ago. It was during that moment in my life when I was having fun out there moderating the site. I’ve always told my best friends that being a part of this site is one of the best things that ever happened tome. I was able to meet more people and more friends, more enemies. But at the end of the day, this site helped me in understanding people and their tendencies. Me nakakatuwa, me nakakaasar me nakakamangha. Paano? Here’s how…
***
MYPBA, yan ang sumalo sa buhay ko nuong mag-crash ang official PBA website. Sabi kasi nila, masyado na raw maraming miyembro kaya ayun, di na kinaya nung database. Wala tuloy akong magawa nuon kung hindi ang maghintay na maayos yun, kaso walang nangyari. Sayang, sabi ko, na-adik pa naman ako nuon sa message board. Alam niyo ba? Di ako nakakain nun ng maayos. Sobrang na-miss ko talaga! May mga oras na natutulala na lang ako sa harap ng monitor. Saan-saan na ako napadpad: generic forums, conforums, yahoogroups pero iba pa rin talaga pag official PBA message board eh, me class kumbaga.
Isang araw nakatanggap ako ng e-mail mula kay Kuya Palaboy. Aba, gawa na raw ang forums! So pinindot ko agad yung link na binigay niya. Akala ko PBA.php, hindi pala. MYPBA pala. Sabi ko, okay na rin. Kung tutuusin mas malinis pa nga ito kaysa nung sa una. Mas masarap sa paningin. Pagkatapos sabi ni Kuya Palaboy kung gusto ko raw maging moderator. Aba siyempre gusto ko ano! Sino ba namang hinde? Siyempre kahit papaano karangalan din ‘yun. Pero higit sa lahat tinanggap ko ang kanyang offer dahil gusto ko ring makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa site. Bago na naman ‘yun. In my own little way, I wanted to help the admin to start on the right note kumbaga.
Speaking of being a moderator, minsan di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa trabaho namin. Sa message board kasi di mo nakikita yung kausap mo kaya minsan malakas ang loob ng mga bruhildo’t bruhildang magsalita ng kung anu-ano. Minsan wala silang preno. Iba’t-iba rin ang mga personalidad! Nakaka-hilo! Kung minsan gusto ko nang basagin yung monitor sa mga nababasa ko pero sabi ko teka, moderator ako, kailangan laging cool. Pero minsan paano ka magiging cool? Lalo na kung ganito yung makakasalamuha mo:
- New Kids on The Block – eto yung mga kaka-register pa lang sa MYPBA na hindi pa nagbabasa ng rules and regulations. Sila yung kung saan-saan magpo-post ng mga topic na may opening greeting na: “I’m new here!” Kung minsan magsusulat ng mga di kaiga-igayang mga salita like “t*nga, g*go, b*rat ka” at kung anu-ano pa. Akala kasi nila, oks lang yun dito. Sila yung kalimitang pini-PM ng mga mods na may katagang: “Welcome to MYPBA…” Pero in fairness, marami naman sa kanila ang nagiging behave na lalo na kapag napagsasabihan.
- Baby Ama – eto naman yung mga taong galit na galit dito sa mundo. Sila yung mga avid fan daw na wala ng ginawa kundi mag-bash ng mga miyembro ng favorite team niya. Siya yung kung makikita lang yung ineffective nilang coach eh malamang na naibaon na niya ng buhay. Malimit mo sila makikitang may angry devil na emoteicons matapos ang post nila. Kaya kung player ka at napadpad ka sa forum, wag ka ng magpapakilala dahil kapag nag-kalat ka sa games, letsugas, yari ka!
- Ang Buskador – oo, okay lang mag-joke pero may mga members din dito na wala nang ginawa kung hindi mang-asar ng kapwa. Sila yung mga gumagawa ng mga nakaka-asar na tukso sa mga players o team na ayaw nila. Sila yung malimit mag-post ng “peace” matapos kang paiyakin sa asar!
- The Spammer – siya naman yung member na bawat yata section gustong lagyan ng redundant threads para lang mapansin. Siya yung bumubuhay dun sa trash can naming mga mod. Sila rin yung malimit mag-post ng single replies like “Uh-oh, yup, ngek! Nyak!” o kung minsan emoteicons lang ayos na sa kanila. Sila yung parang gusting dumami agad ang post para maka-silip sa Adult Forum! Spekulasyon ko lang naman yun ha?
- Cry Babies – eto naman yung mga taong sobrang sensitive. Sila yung mabiro mo lang ng konti eh gusto ka nang ipa-pako sa krus. Maangas rin sila minsan pero kapag sila naman yung inangasan mo eh galit na galit na sa iyo.
- Tigasin – eto naman yung akala mo kung sino. Sila yung feeling na biyaya sila ng panginoon sa MYPBA. Sila yung papayuhan mo na para sa ikabubuti nila eh magagalit pa sa iyo. Malimit niyang ipagmalaki na: “astig ako!” Sila yung parang di marunong tumanggap ng pagkakamali. Tapos kapag ipina-ban mo, gagawa’t-gagawa ng bagong username para lang manggulo at maghasik ng lagim!
Yan ang mga official na pasaway sa forum. Pero okay lang naman kasi kahit ganyan sila, nakikinig naman pag pinagsasabihan. Pero on the other hand, meron din ibang kahit warningan mo na eh pasaway pa rin kaya ang ginagawa naming mga mods eh sabitan na lang sila ng medalya! Hehe.
Pero kung may pasaway, marami rin naming mababait:
- The Religious – eto yung kalimitan ay may bible verse sa signature nila. Hindi rin lilipas ang araw na hindi sila dadaan sa Religion section. Sila yung nakaka-konsensiyang awayin?
- The Living Greeting Card – eto naman yung sinusuyod yung buong board para bumati ng “good am,” “good pm,” “happy bertdey,” etc. Sila yung libo-libo na ang number of posts at halos lahat ng members eh kakilala na. Hindi ko lang alam kung suplado sila sa personal! Hehe!
- The Pacifier – eto naman yung laging cool na kapag may mainit na talakayan ay pinapayapa ang mga taong nagkaka-banggaan. Siya yung malimit mag-PM ng ganito: “Hayaan mo na lang muna siya. Wag mo nang patulan.” Sila yung attentive at alam agad kung saang thread may nag-aaway. Punum-puno na rin ang inbox nito sa kakapayo sa co-members niyang naliligaw ng landas. Malaking tulong sa aming mga mod to. Personally, mas karapat-dapat pa nga silang maging mod kesa sa akin eh!
- Life of the Party – ah, siya naman yung pinaka-mabiro sa forum pero hindi nakakaasar. Kumbaga siya yung masaya o nagpapasaya sa forum. Siya yung di maubos-ubos ang joke at laging may naka-kabit na smiley sa mga joke niya. Kahit anong buska, parang di ka mapipikon kasi alam mong that’s his true nature: to have fun and in the process bring fun to everyone. Kapag nawala sila sa forum, baka ma-stroke o kaya mabaog ang mga members. Boring!
- Kuya Bodgie – sila naman yung mga senior citizens ng tropa. Sila yung laging may payo sa mga nakababata. Kung sa test sila yung “corrected by.” Sila rin yung laging nagpo-provide ng impormasyon tungkol sa basketball, politics, legal matters at iba pa. Kumbaga sa team, sila yung stabilizer sa grupo, nire-respeto.
- The Hopeless Romantic – sila naman yung sexpert este expert pagdating sa matters of the heart. Maasahan mo ang mga ito kapag ang usapan ay tungkol sa puso, marriage and life. Hay, kapag di ka pa na-inlove sa kanila ewan ko na lang.
Yan naman yung mga taong nagpapa-sarap ng trabaho naming mga mod. Talagang matutuwa ka sa kanila. Sila rin yung magpapatunay na kahit hindi personal na magkakakilala ang mga tao sa MYPBA eh pupwede pa ring magka-sundo at maging magkaibigan.
Pero aside from the good and the bad, meron din namang mga matalento dito sa MYPBA na talaga namang nakakamangha. Merong tatahi-tahimik, walastik palang mag-Ingles! Meron naman akala mo barumbado, wizard pala sa computer. Merong simple lang pero rock. Gusto niyo sila makilala? O, heto:
- The Poet – sila yung mga mahihilig sa literature. Sila yung mga malalalim kung mag-isip at parang factory kung gumawa ng tula. Sila rin yung nakaka-intindi ng mga tula natin kahit akala natin na walang kwenta.
- The English Teacher – sila naman yung astig mag-Ingles. Kapag nag-post na ang mga ito, maghahagilap ka talaga ng dictionary. Sila rin yung nakakatakot gawan ng testimonial sa Friendster kasi baka di nila ma-appreciate yung carabao English natin.
- The Political Analysts – sila naman yung kapag pulitika na ang usapan eh mapapanganga ka sa mga komentaryo nila. Sila yung mga profound kung mag-isip. Mamumulat ka sa mga seryosong bagay kapag kausap mo sila.
- The Historians – sila naman yung biniyayaan ng Diyos ng matalim na memorya. Alam nila lahat. Kumbaga sa memory, infinite yung disk space nila. Mahihiya si Herodotus sa kanila.
- The Wiz Kids – sila naman yung mga taong magagaling sa math, science and technology. Bigyan mo sila ng riddle at siguradong masasagot nila. Sila rin yung di pahuhuli ang information pagdating sa technological advancement.
Marami pang mga personality dito sa MYPBA pero itong susunod na grupo, hindi ko alam kung paano i-classify:
- Si Ganda – eto title pa lang alam mo na. Sila yung mga magagandang tanawin dito sa site. Ay naku, talaga namang maraming magaganda sa MYPBA. Sila yung kapag may EB ay pinaka-aabangan. Siguro kung magkaroon ng beach party sa site, sasama ang isang lupon ng kalalakihan makita lang silang naka maikling saplot. Maglalabasan siguro ang mga m*nyak! Hehe!
- Si Pogi – o siyempre sila yung partner ni Ganda. Silang yung mga magagandang tanawin para sa mga kababaihang miyembro ng site. Tall, dark and handsome? Marami sa site na iyan, makalaglag-p*nty ba? Naku, sila yung yari sa mga miyembro ng Viva Hot Gays!
- Si Party Animal – ah, ito naman yung mga dude and dudettes na walang pinapatawad na gimik. Pagnakarinig ito ng EB, asahan mong nasa unahan na sila ng listahan!
- Si KJ – ako yata ang presidente ng grupong ito. Ito kasi yung lagi na lang nagtatago kapag may outing. Hindi mo alam kung nahihiya o wala lang talagang datung. Hehe!
These are the people that make up MYPBA. Sa ordinaryong araw, matatawa ka, maiiyak, mama-mangha, mai-inlove at lahat yan pwede dito. Kaya nga masaya ako at nandito ako ngayon.
Ako, hindi ko alam kung anong uri ng member ako. Pero isa lang ang malinaw, mahal ko ang MYPBA. Kahit magunaw pa ang mundo, ito pa rin ang favorite site ko.
Naka-relate ba kayo?

